Dalawang patch para tanggalin ang Tagalog sa Drupal
Nilubus-lubos ko na!
Nagsumite ako nang dalawang patch (tagpi?) para sa ubod ng Drupal (Drupal core po yun heh). Isa ay para sa Drupal 7 at ang isa ay para sa sangay na Drupal 6.x. Ang mga tagpi ay para tanggalin ang Tagalog sa Drupal (Teka lang po, wag maghisterya!) Pinapapalitan ko po ito nang Pilipino.
+ "fil" => array("Filipino"),
- "tl" => array("Tagalog"),
Kapag nangyari ito, papalitan ko na rin ang nasa localization server natin at ide-deprecate ko ang Tagalog at gagawing Filipino. Wala ding problema sa paggawa nang pahina ng proyekto nito sa drupal.org. Agad-agad ay aking isusumite na rin sa CVS ng Drupal ang mga bagong file na *.fil.po Kaya sana'y mai-commit ang mga tagping ito sa lalong madaling panahon.
Nais ko ring makipag-ugnayan sa Komisyon Sa Wikang Pilipino. Akin silang papadalhan nang e-liham tungkol dito - kung maaari silang tumulong sa mga katagang pang-internet. Baka makumbinsi din natin silang maging ehemplo nang isang l10n websayt sa Pilipinas na gumagamit nang pangunahing Open-Source CMS sa buong mundo.
Nasi ko lang magbigay-alam. Yun lang po at maraming salamat.
PS. Sana ay makatulong kayo sa pagsasaling-wika nang Drupal sa Pilipino. Mangyaring magpunta sa http://pili.pin.as/translations


Good work. Tama at FIlipino
Good work. Tama at FIlipino ang dapat gamitin sa halip na Tagalog.
collectivetech.org
Technology for organizations. Open Source. Consultancy. Training.
Tulong!
Di ko maintindihan kung bakit hindi pumapasa sa awtomatikong pagsubok ng Drupal 7 ang mga tagping isinumite ko. Kung mayroong gustong tumulong dito, pwede nyong i-check-out ang locale.inc mula sa direktoryong includes ng Drupal sa CVS ng Drupal.org at gumawa ng tagpi (patch). O di kaya, tingnan ninyo yung mga tagpi na na-isumite at tamain ito. Limang beses ko nang pinalitan ang sobrang simpleng tagpi pero di ito pumapasa. Nagmumukha na akong tanga hehe. Kaya tulong!
Mayroon ding diskusyon kung bakit dapat palitan ang Tagalog sa Drupal. Hindi nila maintindihan ang kaibahan ng Tagalog at Filipino. Kaya maaring makisali kayo sa diskusyon upang ma-itama ang Drupal.
Ang kawi sa pahinang aking binabanggit: http://drupal.org/node/385296
PS. Hindi ako karaniwang ganito magsulat. Ako lamang ay nasa "Filipino mode" dahil puspusan akong nagsasaling-wika ng Drupal.
Rationale
It is indeed necessary to mitigate the Language preset of the Philippines on the Drupal project.
I posted my two-cents at the issue queue regarding this task.
... which unfortunately I
... which unfortunately I find disagreeable :-( .. but of course I respect your opinions 100%.
I believe that Drupal should not promote Tagalog. If a user really wants to use tl, then the user can use the Custom Language and not the drop-down list.
This is a very informative read regarding why we should support Filipino and not contribute to the confusion: http://thelance.letran.edu/aug2005/f1_aug2005.htm
I actually have very high goals with this. I mentioned that I want to get in touch with Komisyon Sa Wikang Pilipino. I really want to help in the standardization of the Filipino language. I've been very active in the Norwegian translations and helping in the standardization of internet terms and expressions in Norwegian. Why can't I do that with my mother-tounge? So I have decided to be active in the standardization of Filipino. As I said in my post, why wait for the change when you know that you can contribute to the change.